Here’s something interesting – Senator Mar Roxas is really pushing for the suspension of VAT on oil. Like what I said in my previous post, this will give conusmers some relief in the on-going global gas crisis. I got this transcript from my Tita’s post in her blog. There are some really good insights in it so I’d like to share it with everyone, especially since the gas issue is one of the most pressing problems we have as a nation.
Transcript of Senator Mar Roxas’ interview on DWIZ with Cely Bueno
July 5, 2008 5:00 p.m.Q: Kung ikaw ang Presidente, ano ang inyong mga magagawa para masolusyonan ito?
MAR: Matagal nang hindi biro ito, at matagal nang nahihirapan ang ating mga kababayan sa sobrang bilis ng pagtaas ng mga bilihin, lalong na sa bigas at sa gasolina. Unang-una, papatanggal ko yung VAT sa produktong petrolyo. Agad-agad itong P6 per liter ang savings, at sa LPG ay P60 ang savings bawat tangke. Makakatulong ito sa ating mga kababayan, at least malalaman ng mga mamamayan na ang gobyerno ay hindi kasama sa pabigat sa kanilang mga buhay. Habang nagmamahal ang gasolina, nakaangkas ang gobyerno, may 12% sila dito. May kasalanan man ang mga doon sa Middle East, na pinamahal nila talaga yung kanilang produkto, kabahagi sa kasalanan yung gobyerno, kasi nakaangkas sila, nagpapamahal din sa produktong ito. Sa transportasyon, malaking bagay iyan. Alam naman natin na lahat ng produkto ay may transportation na component.
Pangalawa, yung gastos ng gobyerno ay ipapa-review ko, at kung kinakailangan ay iibahin ko. Kakaiba ang sitwasyon ngayon, hindi pwede ang ‘business as usual,’ o government expenditure as usual. Noong ipinasa ang budget sa simula ng taon, ibang-iba ang sitwasyon, kaya hindi naman pwede na ganoon na rin lang ang ating paggastos batay doon sa mga kondisyon ng nakaraan.
Q: Tataas pa ba itong presyo ng langis?MAR: Tataas pa ito. Dito sa gasolina, sinasabi nila another P7-P10 kada litro. Pahabol lang iyan, hindi pa kasama yung pagtaas ng Dubai oil na $140 per barrel ngayon. Kumbaga sa boksing, tumba na ang boksingero. Kung isa kang wage earner, o magsasaka, o kung ano, talagang kaliwa’t kanan ang left hook sa bulsa nila. At saan sila tumatakbo? Sa utang. Hindi ka na rin makakautang, dahilan sa yung dati mong pinag-uutangan mong kamag-anak o kaibigan ay naghihirap din. De tutungo sa 5-6. Pabaon ng pabaon. Ang point is, dapat agapan ang sitwasyon habang maaga pa, dapat ipakita na ang gobyerno ay hindi manhid, at alam nila kung ano ang nangyayari, kaya rerepasuhin ng gobyerno ang kanyang spending pattern at spending priority, nang sa ganoon matutugunan ang mga pangangailangan ng panahon.
On other government measures to deal with the rising prices of goods:
MAR: Yung mga utang, dapat ituloy iyon. Iyon ang mga tulong sa medium term. Yung emergency sa near-term, ginagawa naman ng gobyerno, pero sa tingin ko, dapat madadagdagan pa nila itong mga tulong sa lifeline, tulong sa feeding programs sa eskwelahan, tulong sa mga biktima ng bagyo. Lahat iyan ay emergency, hindi naman pangmatagalan iyan. Dapat i-realign natin ang budget nang sa ganoon, matugunan itong short, medium and long-term na pangangailangan ng ating mga kababayan at ng ating ekonomiya.
Pwedeng palakihin ng gobyerno ang kanilang lending programs, nang sa ganoon, ang lahat nitong mga pamilya naghihingalo ay may matatakbuhang credit na long-term at mababang interest. Isa rin sa pinakamahalaga ay tugunan talaga natin yung self-sufficiency natin sa bigas. Kasi kung magtaasan yung iba, kung makakain lang tayo, pwede nang pagtiyagaan yung sitwasyon. Pero kung hindi tayo makakain, kung hindi na abot-kaya ang isang kilo ng bigas, mahirap ang sitwasyon. Hindi pwede yung pasabog na ‘maglalaan tayo ng P500 milyon na fertilizer support.’ Halos 1 bag per hectare lang iyan, e ang kailangan ay 8 bags per hectare.
Ang point is, o sige, marami tayong problema, pero at least si Juan de la Cruz ay makakakain ng bigas. So ano ang kailangan na produksyon? So secondary na ang lahat ng iba pang mga project. Lahat ng pera, lahat ng atensyon, lahat ng engineering, lahat ng suporta, ilalagay para maka-harvest tayo para sa mag pangangailangan natin. Iyan ang mga hakbang na inaantay ko, pero nakakalungkot na wala pa akong nakikita.
Q: May magagawa pa ba ang gobyerno?
MAR: Bukod doon sa luho, mayroon tinatawag na prioritization. Sabihin natin limang bagay ang importante. Pero ano ang pinaka-priority natin? Dapat makakakain tayo. So doon sa number two, three, four at five, bagamat importante sila, bawasan lahat iyan – Mauunawaan naman ng ating mga kababayan iyan e – para ang number one, na makakakain tayo sa abot-kaya ng ating sinasahod o kinikita, iyan ay matugunan.
Q: Starting July 6, maipapatupad na ang Minimum Wage Tax Exemption Law, kung saan madadagdagan ng mga P700 ang take-home pay ng mga minimum wage earners.
MAR: Kulang din iyan. Of course nakatulong ito. Halos lahat nine months natin tinrabaho na ma-exempt ang mga minimum wage earners, at natutuwa naman tayo na naisabatas iyan. Pero nakikita natin na makatulong man ito, kulang pa rin. Kaya dapat tanggapin ng gobyerno na kakaiba ang sitwasyon, at dahilan doon, kailangang i-review lahat, kung kailangan tawagin lahat ng mga mambabatas, o kung sino man gusto nilang konsultahin, na at least yung gastusin ng gobyerno nitong second half ng 2008 ay iibahin, babaguhin o rereporma nang sa ganoon, mas angkop sa pangangailangan ng panahon. Napaka-close-minded, o napaka-narrow-minded o napakamanhid, kung ibang-iba ang sitwasyon pero ayaw pa ring magbago doon sa mga nakaraang desisyon. Maaaring tama ang mga desisyong ito noong panahong iyon, e ibang-iba ang sitwasyon ngayon.
Q: Kung babaguhin ang gastusin, kailangan pa bang dumaan sa Kongreso ito?
MAR: Depende sa teknikalidad, pero mas importante na dumaan ito sa malawak na konsultasyon at ipaalam sa publiko na ‘itong mga bagay na ito, desisyon namin na hindi gagastusin ito.’ So technically savings na iyan, sang-ayon sa government accounting procedure. Ngayon, itong savings ay maaaring ma-realign sa ibang gastusin. ‘Ire-realign natin itong mga savings sa number one, two, three, four, five…,’ kung anuman iyon. Hindi pwede business as usual, dedmahan na lang, tapos nagtataka tayo saan nanggagaling ang mga perang ito, o kaya nagtataka tayo saan manggagaling ang pagpondo na kakailanganin ng gobyerno sa panahong ito.
Palagay ko dapat ito magsimula sa Malacañang o kaya sa DBM ang mga malawak na konsultasyon. Si Budget Sec. Nonoy Andaya, kausap ko noong isang araw, ipinaabot ko na sa kanya ito. Doon din sa Iloilo, noong nagkaroon ng Disaster Coordinating Council, nandoon yung Pangulo, pinaabot ko rin na kakaiba ang sitwasyon ngayon, hindi lamang dahil sa bagyo o kalamidad pero sa iba pa, at siguro magandang i-review uli ang budget, para malinaw ang mga hakbang na gagawin natin.
The government can do something about the crisis – but it’s not just a single angle approach. I strongly agree with Senator Roxas but I would like to stress his second point more: we have to rationalize government spending and improve tax collections. There are so many things we are spending on that we can easily use to uplift the quality of life for the average Filipino. You want some examples?
Why the hell are we building a fly-over U-turn in C5?
Why is Bayani Fernando’s face plastered all over manila with tarpaulins paid for by our taxes?
Why do more than 50 govenrment officials have to go on trips with the President each time she leaves?
Why oh why do we keep on breaking and re-building our roads (this happens alot!)?
Why did we spend millions of pesos for buying computers for COMELEC when it’s not even being used?
And they have the nerve to just pass down the effort of fixing this country to us by constantly taxing us again and again and again and again. Sheesh.
Rant mode off.
Read More
Tags: Gas Crisis, Senator Mar Roxas, Taxes

Carl, sorry to write this here, Can’t find your contact info eh.
Anyway, greetings from Saudi Arabia.
We nominated your site to the TOP 10 MOST INFLUENTIAL BLOGGERS of 2008. Please see the post here. http://jbsolis.blogspot.com/2008/07/2008-most-influential-bloggers.html
Can we ask you a favor, to help us, including your friends, to post our search for TOP 10 PINOY EXPATS BLOG? Here is the link to this,
http://jbsolis.blogspot.com/2008/07/search-for-2008-top-10-pinoy-abroad.html
and here
for the voting
http://kenjishiela.tripod.com/pinoyexpatsblog/
Your site will then be included to the search site link or blogroll.
Thank you.
sana nga…
paltan na kasi si gloria eh…
alisin man natin ang e-VAT pero ganon pa rin, tataas at tataas pa rin ang gasolina to the point na maghahagilap na naman tayo sisisihin.
Instead, mag suggest na lang tayo sa government on how how to use excess collection on e-VAT to help ease the effect of higher price of commodities.
tama ang ginagawa si senator roxas… pero bat ngayun lang sya lagi nakikita ko ang pangalan? part of campaign? lol