Here’s something interesting - Senator Mar Roxas is really pushing for the suspension of VAT on oil. Like what I said in my previous post, this will give conusmers some relief in the on-going global gas crisis. I got this transcript from my Tita’s post in her blog. There are some really good insights in it so I’d like to share it with everyone, especially since the gas issue is one of the most pressing problems we have as a nation.
Transcript of Senator Mar Roxas’ interview on DWIZ with Cely Bueno
July 5, 2008 5:00 p.m.
Q: Kung ikaw ang Presidente, ano ang inyong mga magagawa para masolusyonan ito?
MAR: Matagal nang hindi biro ito, at matagal nang nahihirapan ang ating mga kababayan sa sobrang bilis ng pagtaas ng mga bilihin, lalong na sa bigas at sa gasolina. Unang-una, papatanggal ko yung VAT sa produktong petrolyo. Agad-agad itong P6 per liter ang savings, at sa LPG ay P60 ang savings bawat tangke. Makakatulong ito sa ating mga kababayan, at least malalaman ng mga mamamayan na ang gobyerno ay hindi kasama sa pabigat sa kanilang mga buhay. Habang nagmamahal ang gasolina, nakaangkas ang gobyerno, may 12% sila dito. May kasalanan man ang mga doon sa Middle East, na pinamahal nila talaga yung kanilang produkto, kabahagi sa kasalanan yung gobyerno, kasi nakaangkas sila, nagpapamahal din sa produktong ito. Sa transportasyon, malaking bagay iyan. Alam naman natin na lahat ng produkto ay may transportation na component.
Pangalawa, yung gastos ng gobyerno ay ipapa-review ko, at kung kinakailangan ay iibahin ko. Kakaiba ang sitwasyon ngayon, hindi pwede ang ‘business as usual,’ o government expenditure as usual. Noong ipinasa ang budget sa simula ng taon, ibang-iba ang sitwasyon, kaya hindi naman pwede na ganoon na rin lang ang ating paggastos batay doon sa mga kondisyon ng nakaraan.
(more…)